Binigyan agad ng kahulugan ang handshake ni Coco Martin at ni Vincent Co sa isang supermarket event kamakailan.
Si Vincent ang Presidente at CEO ng Puregold na napapabalitang nobyo ni Bea Alonzo.
Magkasama kasi sina Coco at Julia Montes sa naturang event held at the World Trade Center.
Understandable ang presence doon ng Batang Quiapo lead star dahil may booth siya doon.
Endorser at manufacturer si Coco ng Bida, ang bagong dishwashing liquid sa merkado.
Dahil it’s a new product kung kaya’t it needs to be pushed.
And what better way to do it than ask the supermarket owners nga naman to distribute it.
Siyempre, Julia was there in support of Coco.
Kitang-kita naman kung mistulang dyulalay ang peg ni Julia na tagapunas ng tumatagaktak na pawis ng dyowa niya.
Speaking of language of love, walang hindi gagawin si Julia to express her love!
At ang simpleng handshake between the two gentlemen, hayun, inisip na inuurutan ni Coco na magninong si Vincent sa kasal nila ni Julia!
Teka, isn’t Vincent too young to be one?
But if ever tama nga ang hinala ng mga netizens na nangangamoy kasalan ang simpleng handshake na ‘yon nina Coco at Vincent, ano
naman ang puwedeng itawag kina Bea at Julia?
Or sino kaya ang mauunang ikasal–Coco-Julia o Vincent-Bea?
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

