Arestado ang isang lalaki nang sunod-sunod na saktan ang dalawang taong gulang na anak sa harap ng Plaza Hernandez.
Nahuli sa CCTV ang insidente kung saan makikitang paulit-ulit na sinapak ng ama ang bata habang karga niya ito, at tila inihagis pa sa loob ng tricycle.
Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, nadakip ang suspek sa kanilang bahay sa Barangay 107.
Ayon sa ulat, may hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa, at napagbalingan ng galit ng ama ang kanilang anak. Inamin din ng suspek na nakainom siya nang maganap ang pananakit.
Kasalukuyang nagpapagaling ang bata matapos magtamo ng mga pasa sa mukha. Nakadetine na ang suspek at mahaharap sa kasong child abuse.
Trending
- Alex Eala wagi sa unang round ng Abu Dhabi Open
- Ekonomiya ng Pilipinas sumadsad
- Goitia: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng Batas
- Bagyong Ada, no classes today
- Bagyong Ada, no classes today
- Kris nag-kritikal : Lungs pumalya
- Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika
- Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

