NAGBABALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga scammers gamit ang No Contact Apprehension Program (NCAP) violations.
Pinayuhan ng MMDA nitong Martes na mag-ingat sa laban sa mga scam na nagpapanggap na bahagi ng No Contact Apprehension Program (NCAP).
Ayon ky MMDA Chairman Atty. Romando Artes sa isang press conference ng Martes na ang modus ay nagmumula sa mga pekeng website at payment modes na gawa-gawa ng mga scammer para makakolekta ng pera at ng sensitibong impormasyon sa financial.
“Wala po kasi kaming capability na hulihin ‘yan. We have to rely with our law enforcement agencies to capture ‘yung mga scammers,” ani MMMDA chief.
Nagbabala si Artes na maaaring malinlang ang mga motorista na ibigay ang kanilang one-time passwords (OTPs) sa mga pekeng NCAP websites.
Nakapaghain na ang MMDA ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) at nakipag-ugnayan na sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at sa Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) kaugnay ng mga scam.
Ikinokonsidera rin nito ang pakikipag-ugnayan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para tuklasin ang mga paraan upang mapigilan ang mga scammer na makatanggap ng bayad.
Muling ipinatupad nitong Lunes ang NCAP sa ilang bahagi ng Metro Manila .
Nitong nakalipas na buwan ng Agosto, sinabi ni Artes na maraming indibidwal ang nakatatanggap ng mga text na may kalakip na link tungkol sa umano’y multa na aabot sa P1,000. Noong panahong iyon, sinabi niyang mahigit 180 indibidwal ang nakapagbayad sa MMDA dahil sa mga text message.
Ayon kay Artes ibinalik ng MMDA ang pera sa mga indibidwal na nagbayad ng umano’y multa sa ahensya.
Gayunpaman, ani MMDA chairman, may ilan na maaaring nakapagbayad sa pamamagitan ng mga site sa pamamagitan ng mga link na ipinadala ng mga scammer.
Sinabi noon ni Artes na ang kanyang tanggapan ay hindi nagsasama ng mga link para sa text notifications nito kaugnay ng NCAP.
I-check lamang ang mga naitalang paglabag sa pamamagitan ng online platforms na ibinibigay ng mga LGU. Para sa mga paglabag sa NCAP na may kinalaman sa MMDA, maaari ring i-check ng mga motorista sa pamamagitan ng eGovPH app ng gobyerno at sa online NCAP services ng MMDA, sabi Atty.Artes.(Gina Garcia)

