NAKAHANDA ang National Bureau of investigation (NBI) na imbestigahan at ikumpara ang mga ebidensyang ibabangga ni Vice Presidente Sara Duterte sa sinasabi niyang kasinungalingan sa 29 na salaysay na isinumite ni dating police officer Rodulfo Gracioso Jr.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag, maaring personal na humarap si VP Sara sa ahensya o magsumite ng liham na may kalakip na mga dokumento at ebidensyang sumasalungat sa affidavit ni Gracioso.

“We are more than willing to investigate it and match it against other evidence,” ani Matibag.

The NBI chief emphasized that claims must still be established through evidence and verification.

Sinabi ni Matibag na magpapatuloy ang imbestigasyon sa pamamagitan ng pagsusuri sa magkakatunggaling claim at mga dokumentaryong ebidensya bago makabuo ng konklusyon ang NBI sa mga alegasyon.

“Madali yung claims but you have to establish evidence and that’s what we are doing right now,” aniya.

“If they can identify na meron talagang violation, pwede naman sila mag-direct filing but we will be happy to help them,”dagdag pa ni Matibag.

“At the same way, kung hindi naman din sila pumunta, we will find ways to validate kung meron talagang perjurius doon sa mga sinasabi ni Mr. Gracioso,”paliwanag pa ni Matibag.

Inaasahang lulutang si Duterte sa NBI sa Oktubre 8, matapos muling itakda sa nasabing petsa ang conference, sa kahilingan ng mga abogado ni Duterte.

Kabilang din sa inaasahang dumalo sa imbitasyon ng NBI si Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte na itinakda sa Okt. 12.(Gina Garcia)

 

Share.