Pumirma na ng kontrata sa Orlando Magic ang free-agent forward na si Kevin Knox II.
Bago ang muli niyang pagpasok sa NBA, naglaro pa nitong nakalipas na season ang bagitong forward sa Windy City sa ilalim ng NBA G League.
Sa naturang liga, napanatili niya ang average na 22.7 ppg., 8.2 rpg. at 2.5 apg. sa loob ng 34.7 minpg., na kaniyang paglalaro sa hardcourt.
Dating napili si Knox bilang ika-9 na overall pick noong 2018 NBA Draft sa pamamagitan ng New York Knicks.
Gayonpaman, hindi siya ilang beses siyang lumipat ng koponan mula sa Knicks patungo sa Atlanta Hawks, Detroit Pistons, Portland Trailblazers, at Golden State Warriors.
Sa 320 career NBA regular season games na kaniyang inilaro sa liga, nagawa niyang maging starter sa 77 games.
Ang pagpasok ni Knox II ay ilang araw lamang bago ang nakatakdang pagsisimula ng training camp ng Orlando sa September 29.
====
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

