Hihiling ang prosecution sa impeachment court na maglabas ng subpoena para tumestigo si dating Senador Antonio Trillanes IV sa susunod na linggo sa paglilitis sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Kinumpirma ito ng prosecution panel, kung saan kakailanganin umano ang testimonya ni Trillanes sa Article II.
Kaugnay ito ng umano’y unexplained wealth at pagtanggap o pagkuha ng pondo mula sa mga source na nabanggit sa mga ebidensyang iniharap sa korte.
Matatandaan na noong Abril ay inakusahan ni Trillanes si Duterte at mga miyembro ng kanyang pamilya na tumanggap umano ng P181 milyon mula sa isang sinasabing drug lord.
Itinanggi naman ni Duterte ang mga naturang alegasyon.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

