Idineklara nang “Blessed” si Archbishop Fulton J. Sheen, na naging unang American-born Catholic archbishop na nakamit ang beatification, sa isang makasaysayang misa sa St. Louis.

Mahigit 45,000 katao mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang dumalo sa seremonya sa Dome at America’s Center noong Huwebes, Setyembre 24. Kasama sa prusisyon ang mahigit 80 obispo at 870 pari, na tumagal nang higit 40 minuto.

Sa Beatification Mass, pormal na idineklara ni Cardinal Luis Antonio Tagle na Blessed si Sheen.

Halos pitong taon matapos suportahan ni yumaong Pope Francis ang kanyang beatification, nagbigay naman si Pope Leo ng pinal na pag-apruba noong Pebrero.

Sa kanyang homiliya, binanggit ni Tagle ang sinabi ni Sheen tungkol sa kanyang pagiging pari.

“Once asked by a friend why he became a priest he replied, I was called to tell this story the gospel, the story of Jesus. I never tire of telling it,” ani Tagle.

Naging daan sa beatification ni Sheen ang isang himala noong 2010 sa Peoria, Illinois.

Isinilang ni Bonnie Engram ang isang sanggol na lalaki, si James Fulton, na walang buhay.

Matapos ang 61 minuto na walang pulso at isang oras na CPR, muling tumibok ang puso ng sanggol kasunod ng mga panalangin kay Sheen.
=====

Share.