Arestado ang tatlong pasahero masabat ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang mga bagahe ang halos P18.68 milyong halaga ng hinihinalang high-grade marijuana o kush sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa BOC, dumating sa NAIA Terminal 3 mula Bangkok, Thailand ang tatlong pasahero nitong Huwebes, Setyembre 24.
Sumailalim sa physical examination ang kanilang anim na bagahe matapos makitaan ng kahina-hinalang imahe sa X-ray.
Sa pagsusuri, natuklasang ang mga bagahe na sa simula ay tila naglalaman ng foodstuff ay may hinihinalang kush. Tinatayang nasa 18,679 gramo ang nakumpiska, na nagkakahalaga ng P18,679,000.
Patuloy pa ang pagsusuri at beripikasyon ng mga awtoridad sa mga nakumpiskang kontrabando. Inaasahang maglalabas ang BOC ng karagdagang detalye nang makumpleto ang pagsusuri.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

