Bahagyang ibinaba ng isang korte sa Quezon City sa P5.6 milyon ang piyansa ni Lakambini “Lakam” Chiu, nakatatandang kapatid ng aktres at TV host na si Kim Chiu, kaugnay ng 124 counts ng qualified theft.
Ayon kay Atty. Dominic Solis, abogado ni Lakambini, “partially granted” ng korte ang kanilang kahilingang bawasan ang dating P5.8 milyong piyansa, ayon sa panayam sa isang ulat.
Pinayagan din umano ng korte si Lakambini na mag-post ng cash bond, kung saan 50% ng P5.6 milyon ang kailangang ilagak. Mananatili naman sa P5.6 milyon ang halaga kung surety bond ang gagamitin.
Sinabi ni Solis na pinag-aaralan pa nila ang kanilang mga opsyon ngunit target nilang makapagpiyansa at makalaya si Lakambini sa loob ng linggong ito.
Nahaharap si Lakambini sa 124 counts ng qualified theft kaugnay ng umano’y pagkuha o paglilipat ng corporate funds na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P44.4 milyon. Ang mga alegasyon ay kaugnay ng House of Little Bunny Philippines Inc., kung saan kapwa may interes sa negosyo ang magkapatid.
Inaresto si Lakambini noong Setyembre 20 sa Mandaluyong City sa bisa ng warrant of arrest at nanatili sa kustodiya ng Kamuning Police Station habang inaayos ang kanyang piyansa.
======
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

