Tinawag na ‘demonyo’ ng isang babae ang kapatid ni Kim Chiu na si Lakam at sinabi pang handa itong maglabas ng mga ebidensya na magpapatunay na may masamang plano ito sa aktres.
Sa isang kumakalat na video na ini-repost sa Reddit, sinabi ng babae na marami nang naagrabyado si Lakam Chiu na may malaking pagkakautang sa kanya.
“Ang dami ng naagrabyado ang dami nang nadidistorbo ng Lakam Chiu na ‘yan,” ayon sa babae na nagsabing nagpunta siya sa business office ni Lakam para singilin ito sa malaking pera na nakuha sa kanya.
“Nandito kami sa business niya and she’s hiding. May mga tao nya nandito pa rin, gutom na at saka hindi nasusuwelduhan, the suppliers are not paid. The owner of the building is not paid,” kuwento ng babae.
Aniya pa, “demonyo” si Lakam at may ebidensya siya na may plano itong hindi maganda sa kapatid na si Kim.
“I have evidences of her text messages ng mga plano niya kay Kim Chiu, sa kapatid niya.
“Grabe, ganun ka magplano sa kapatid mo. Baka ilabas ko (ang text messages),” aniya.
Banta pa ng babae kay Lakam, ilalabas niya ang mga hawak niyang ebidensya kung hindi ito magpapakita.
“Lumabas ka before ko ilabas yung mga messages mo sa mga tao kung ano ‘yung masamang plano mo kay Kim Chiu, demonyo ka!” sey pa ng babaeng nag-aakusa kay Lakam Chiu.
Trending
- Rondina at Pons tinalo ang Bangladesh sa Asian Games
- Miami Heat, nagdagdag ng isa pang shooter ilang linggo bago ang 2026-2027 Season
- Liza Soberano hindi bet ang kulturang Pinoy sa ‘utang na loob’
- Lakam Chiu tinawag na ‘demonyo’ at inakusahang may masamang plano kay Kim
- Jao, aminadong TOTGA si Osang
- 14 katao kinasuhan sa misdeclared agri products
- 32 bagong flu-like cases naitala sa Maynila
- Reddit, Discord, ipagbabawal sa Pinas

