Umabot na sa 72 truck ng basura at debris ang nahakot sa ikatlong araw ng clearing operations sa Redemptorist Water Channel sa Baclaran, Parañaque City nitong Miyerkoles, Agosto 12, ayon sa pamahalaang lungsod.
Sa pinakahuling ulat nitong 8:00 ng umaga, katumbas ito ng 396.6 metric tons ng basura at debris na nahakot sa lugar sa nakalipas na tatlong araw.
Sa kanyang inspeksyon sa lugar nitong Martes, sinabi ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na ipinabatid umano sa kanya ng pamahalaang lungsod na ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganoon karaming naipong basura dahil sa high tide.
Tinawag naman ni Dizon ang sitwasyon na “garbage crisis”.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

