Nasawi ang dalawang katao at lima ang sugatan nang masangkot sa isang salpukan ang isang truck at tricycle sa Barangay New Rizal, M’lang, North Cotabato, noong Sabado ng gabi, Agosto 8.
Kinilala ang mga nasawi bilang driver ng tricycle na si Jovito Autillo Jr. at pasaherong si Yulanda Paris Cordero.
Kapwa idineklarang dead on arrival sa ospital matapos ang insidente.
Samantala, lima pang indibidwal ang nagtamo ng mga pinsala at isinugod sa pagamutan para sa kaukulang atensiyong medikal.
Nasa kustodiya na ng M’lang Municipal Police Station ang driver ng truck habang isinasagawa ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong sanhi at pangyayari sa likod ng aksidente.
Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang iba pang detalye ng insidente.
===
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

