Nasawi ang isa 30-anyos na motorista sa salpukan ng motorsiklo at Rural Bus sa isang bahagi ng highway sa Sangali, Zamboanga City nitong Sabado, August 1.
Kinilala ang nasawi na si Alejandro Saavedra, esidente ng Barangay Tetuan, Zamboanga City; at ang driver ng bus na minamaneho ni Henry Broa Boloron, 37-anyos, at taga Tiguma sa Pagadian City.
Sa ulat ng mga barangay officials at ng mga imbestigador ng pulisya na nagresponde sa insidenta, nag-counterflow ang motoristang sa Saavedra, lumampas sa linyang dapat niyang tinatahak kaya nasapol ito ng kasalubong na bus.
Ayon sa mga saksi, sa lakas ng banggaan ng motorsiklo ni Saavedra at ng bus, tumilapon sia sa malayo.
Kusang loob na nagpakustodiya na si bus driver Boloron sa mga barangay officials at mga pulis na dumating sa pinangyarihan ng insidente upang mag-imbestiga sa naturang highway accident.
Trending
- ALEX EALA KAMPEON SA WTA 500
- Call Center Agent, natagpuang patay sa liblib na lugar
- 5 sasakyan inararo ng Army crane truck: 14 sugatan
- Rider todas sa salpukan ng bus at motorsiklo:
- Tulak habambuhay kulong
- Pinoy seafarer patay sa pag-atake sa Black Sea
- Pastor patay sa ambush
- Paras wala pang natatanggap na subpoena mula NBI

