Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng mga lisensya at rehistrasyon na nag-expire simula Hulyo 1.
Ayon sa LTO, ginawa ang hakbang dahil sa sunod-sunod na isyu na nakaapekto sa Land Transportation Management System (LTMS), upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo at mabigyan ang publiko ng sapat na panahon para maiproseso ang kanilang mga transaksyon.
Saklaw ng pagpapalawig ang motor vehicle registration, driver’s license, conductor’s license, student permit, at medical certificate.
Tiniyak ng LTO na walang sisingiling late fee o penalty para sa lahat ng renewal na sakop ng nasabing pagpapalawig habang epektibo ang Memorandum Circular No. MVL-2026-5271.
=====
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

