Natuwa ang mga fans nina Maine Mendoza at Arjo Atayde matapos silang makita na magkasama sa belated birthday celebration ni Ciara Sotto.
Ibinahagi ni Ciara sa social media ang ilang larawan mula sa kanyang birthday gathering kasama ang malalapit niyang kaibigan.
Kabilang sa mga dumalo sina Maine at Arjo na kapwa game na game sa group photos.
Sa isa sa mga larawang ibinahagi ni Ciara, makikitang magkasama at kapwa nakangiti ang mag-asawa, bagay na ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.
Ayon sa ilang fans, sapat na ang naturang mga larawan para patunayang maayos at masaya ang relasyon nina Maine at Arjo.
Madalas kasing mabuo ang iba’t ibang espekulasyon kapag hindi sila nakikitang magkasama sa ilang events.
Matatandaang nilinaw na rin noon ni Sylvia Sanchez na maayos ang pagsasama ng kanyang anak at ni Maine.
Kaya para sa kanilang supporters, isa na namang patunay ang mga larawang ito na going strong pa rin ang celebrity couple.
====
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

