Isang panukalang batas ang ihinain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para atasan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magtayo ng “Bahay Kanlungan” para sa mga inabusong kababaihan, kabataan at maging ang mga miyembro ng third sex community.
Base sa House Bill (HB) 10044 o “Bahay Kanlungan Act of 2026” na inakda ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima, nais nito na magtayo ang DSWD ng isang Bahay Kanlungan sa bawat sa bawat siyudad at probinsya para sa mga survivor ng “gender-based violence at iba pang uri ng pang-aabuso.
“A nationwide halfway house system would provide a more inclusive and rehabilitative mechanism to protect survivors of violence and those vulnerable to abuse,” ayon sa mambabatas.
Layon umano ng Bahay Kalungan ay magkaroon ng pansamantalang kanlungan ng lahat ng mga survivor, anumang edad, kasaria at sexual orientation upang maproteksyunan at matulungan ang mga ito na marecover at tumayo mula sa kanilang sariling paa.
“As a framework for protection, recovery, and reintegration, this measure ensures that all survivors receive guidance, care and sustained support,” ayon pa sa mambabatas.
Sa gnayon ay residential care facilities na pinapatakbo ng DSWD tulad ng Haven for Women and Home for Girls subalit hindi sapat ito para maproteksyunan ang mga survivors ng pang-aabuso dahil sa kanilang sexual orientation, gender identity, gender expression, and sex characteristics (SOGIESC).
Naging inspirasyon umano ng mambabatas ang Bahay Kanlungan na pinapatakbo ng Quezon City na nagbibigay ng medical, psychological, police, legal assistance para sa mga kababaihan, kabataan, at LGBTQ+ na survivor ng gender-based violence.
“Victims of abuse or those at risk must have a safe place to go. This is essential not only to protect them from further harm, but also to provide a stable foundation where they can begin healing and rebuilding their lives,” ani De Lima.
“Walang sinuman ang dapat dumanas at magtiis ng karahasan at pang-aabuso. Obligasyon ng Estado hindi lang ang tuldukan ang pananakit o anumang uri ng dahas, kundi siguruhin din na mabibigyan ang mga biktima ng karampatang kalinga at serbisyo tungo sa pamumuhay na ligtas at may dignidad,” dagdag pa ng mambabatas.
=====
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

