Nais ngayon ng Department of Energy (DOE) na maamyendahan ang Oil Deregulation Law.
Ito’y para sa mas malawak na kapangyarihan ng ahensiya laban sa fuel hoarding o pang-iipit sa suplay ng langis at mapalakas ang seguridad sa suplay ng enerhiya ng bansa.
Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin, wala silang direktang kapangyarihan sa ilalim ng Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 para kumpiskahin ang mga produktong petrolyo na hinihinalang itinatago o iniimbak nang labag sa batas.
Kaya naman, nais ng ahensiya na mabigyan ng kapangyarihang kumpiskahin ang mga hoarded petroleum products at magpataw ng mas mabibigat na parusa sa mga lalabag nito.
Sa kanilang panukala, dapat ay aabot sa P250,000 hanggang P500,000 o pagkakakulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon ang parusa sa mha mapatutunayang sangkot sa fuel hoarding.
Kasama rin sa mga iminungkahing pagbabago ang pag-aatas sa mga kumpanya ng langis na magpanatili ng reserba ng fuel na katumbas ng 60 araw na suplay.
Samantala, sinabi ni Garin na itinutuloy na rin ng DOE, katuwang ang Philippine National Oil Company, ang plano para sa pagtatatag ng isang national strategic petroleum reserve.
Tinatayang aabot sa humigit-kumulang P5 bilyon ang kakailanganing pondo para makabuo ng isang milyong bariles na reserbang langis sa bansa.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

