Mahigit 36 toneladang basura ang nahakot sa kahabaan ng EDSA-White Plains Avenue sa Quezon City matapos ang dalawang araw na rally ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC), ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa MMDA nitong Huwebes, umabot sa 103.6 cubic meters o katumbas ng 36.585 tonelada ng basura ang nakolekta sa lugar.
Patuloy naman ang operasyon ng Metro Parkways Clearing Group ng MMDA upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan sa lugar. Kabilang dito ang pag-aayos ng mga concrete barrier, paglilinis ng mga naiwang debris, at paghakot ng natitirang basura.
Matapos ang dalawang araw na rally sa White Plains Avenue, inilipat sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang ikatlong araw ng pagtitipon nitong Huwebes matapos bawiin ng lokal na pamahalaan ang permit na ibinigay sa INC.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

