Humarap na sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si dating Ateneo de Manila University (ADMU) men’s basketball head coach Tab Baldwin.
Dumating si Baldwin sa tanggapan ng CIDG sa Camp Crame nitong Biyernes, Hunyo 19,
Ito ay bilang bahagi ng fact-finding investigation kaugnay ng pagkamatay ng mga student-athlete na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Una nang naiulat na nasawi sina Baterbonia at Adili sa isinagawang team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8, kung saan umano sila nalunod.
Dalawang beses namang pinadalhan ng subpoena si Baldwin bago siya humarap para sa imbestigasyon.
Matatandaan din na nagbitiw bilang head coach ng Ateneo Blue Eagles si Baldwin.
Samantala, ipinagpaliban ang nakatakdang pagharap ni Baldwin sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes, Hunyo 19.
Sa ipinadalang mensahe ni NBI Director Atty. Melvin Matibag, sa susunod na linggo o posibleng sa Lunes na lang pupunta si Baldwin na kasalukuyang nasa CIDG ngayon.
Matatandaang ‘no show’ siya sa pa-subpoena ng NBI-Homicide Division noong Martes.
Inaabangan naman ang pagdating sa NBI-Homicide Division nina dating team manager Epok Quimpo, at assistant coaches Reynaldo Jacinto Jr, at Dean Castaño.
Una nang humarap sa bureau si coach Sandro Soriano at mahigit 20 kasalukuyan at dating manlalaro ng Ateneo Blue Eagles Basketball team.
Samantala, tumanggi nang magbigay ng detalye ang NBI sa initial o partial findings tungkol sa pagkasawi nina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Hihintayin aniya nilang matapos ang imbestigasyon ng task force ng bureau kabilang ang pagkuha ng salaysay sa mga kasamahan ng dalawa sa koponan.
Una rito, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na hindi nila kayang tapusin ngayong linggo ang imbestigasyon sa kaso dahil ayaw nilang madaliin ang pagsisiyasat upang lumabas ang katotohanan sa trahedya.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

