May kasamang maliliit na butil ng yelo ang malakas na ulan sa Sto. Tomas, Batangas at Calamba, Laguna nitong Lunes, Hunyo 15, 2026.
Nagsisilong ng sampay si Bayan Patroller Yasie Marlis nang mapansin niyang kasabay ng malakas na ulan ay may bumabagsak na yelo sa sahig sa harap ng kanilang bahay sa Ciudad de Calamba, Barangay Punta sa Calamba.
Aniya, tumagal ng 20 minuto ang malakas na ulan na may kasamang yelo.
Nasa loob naman ng bahay sa Barangay San Rafael, Sto. Tomas si Bayan Patroller Aira Moral nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
“Parang binabato po kasi ‘yung bubong namin tapos paglabas namin may kasamang yelo ‘yung sobrang lakas na ulan, bali nagulat din po ako at first time kong maranasan ‘yun,” kuwento ni Moral.
Tumagal rin aniya ng halos 30 minuto ang pagbuhos ng malakas na ulan sa kanilang lugar.
Sa tala ng PAGASA, localized thunderstorms ang sanhi ng malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Trending
- Victoria Mboko ‘di makakapaglaro sa Wimbledon dahil sa injury
- Cavs star James Harden inaresto nang mahulihan ng baril
- Catriona at Pia, inupakan ang yabang ng konteserong halfsies
- CocoJules binulabog ang Divi, Baclaran, Quiapo at Tondo
- KimPau, nagli-live in sa BGC?
- Tab Baldwin kahit nag-resign tuloy ang imbestigasyon
- Konduktor patay, 6 sugatan sa salpukan ng bus, truck
- Umulan ng yelo sa Batangas at Laguna

