Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na mahigit 9,800 Pilipino na ang na-repatriate mula nang sumiklab ang hidwaan sa Gitnang Silangan.
Batay sa datos hanggang Mayo 20, 2026, aabot sa 9,854 indibidwal ang nakauwi na sa Pilipinas, kabilang ang 7,748 overseas Filipino workers (OFWs), 1,745 na kapamilya, at 361 na stranded na Pilipino.
Iniulat din ng DMW na malawakang tulong ang naipagkaloob sa mga apektadong Pilipino hanggang Mayo 19, 2026, kung saan 27,369 ang nakatanggap ng financial assistance, 21,120 ng food assistance, 2,418 ng medical assistance, 7,191 ng transport assistance, at 2,473 ng tulong sa pansamantalang tirahan. Sa kabuuan, 60,571 katao ang nakinabang sa onsite services para sa mga apektado ng krisis sa Gitnang Silangan.
Hiwalay dito, sinabi ng DMW na hindi bababa sa 79 OFWs mula Kuwait ang dumating noong Mayo 21, 2026 sakay ng Gulf Air flight bilang bahagi ng patuloy na repatriation ng pamahalaan.
Sa kanilang pagdating sa Manila International Airport Authority (MIAA), sinalubong ang mga bumalik na manggagawa ng mga tauhan ng DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at medical team. Binigyan sila ng financial at welfare assistance, libreng konsultasyong medikal, pansamantalang matutuluyan, at transportasyon.
Nakahanda rin ang reintegration program para sa mga OFW na kinabibilangan ng job matching, skills upgrading, at livelihood assistance.
Trending
- Knicks, ibinulsa ang Game 1 OT win vs Cavs, 115 – 104
- Lim, Olivarez pangungunahan ang Palawan Open tennis
- KC, dinalaw si Sharon
- Kathryn, nagsalita na sa lagay ng lovelife
- BINI pinarangalan sa Kamara
- Padilla: Bato nakisakay lang, walang ideya kung saan papunta
- DOH: Pinoy crew ng hantavirus-hit cruise ship ‘di na kailangan mag-quarantine ulit
- 9,800 Pilnoys na-repat sa gitna ng MidEast war

