Naaksidente ang sinasakyang truck ng walong estudyante, dalawang guro at isang magulang na dapat sana’y pupunta sa journalism contest sa Davao Oriental noong Miyerkules, Setyembre 9, 2026.
Ayon sa pahayag ng Municipality of San Isidro, Davao Oriental sa kanilang opisyal na Facebook page noon ding Miyerkules, binabaybay ng truck ang kalsada papuntang Banganga para sa Division School Press Conference (DSPC) nang mahulog sa gilid ng kalsada ang kanilang sasakyan.
Kaugnay nito, kinumpirma naman ng lokal na pamahalaan ng San Isidro na ligtas ang lahat ng sakay ng nasabing truck. Napag-alaman ding ang magulang na sakay ng truck ang siyang nagmamay-ari sa sasakyan.
“All eight students, two teachers, and one parent who were involved in a vehicular accident in Santiago, Caraga, Davao Oriental are safe,” anila sa FB page.
Matapos na agarang ma-rescue sa naaksidenteng sasakyan, dinala sa Davao Oriental Provincial Hospital sa Mati City ang mga biktima kung saan sila patuloy na nagpapagaling.
Kaugnay nito, opisyal namang nagbukas ang DPSC sa Baganga National High School noon ding Setyembre 9.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang kabuuang detalye ng aksidente.
Trending
- EST Cola umusad sa PVL Invitational finals
- Eala sasabak sa Singapore Open
- Charlie, nag-throwback sa pag-propose ni Carlo
- Kim, hinulaang magkakaroon ng ibang jowa, ‘di si Paulo
- BINI Stacey, nagkawanggawa sa mag-amang may cancer
- LTO pinaiimbestigahan inspection center na nagpasa sa luma, kinakalawang na truck
- Rally kontra Pax Silica, nauwi sa tensyon; ilang raliyista, arestado
- 8 estudyante, 2 guro at 1 magulang na papuntang journalism contest, nadisgrasya
