Sugatan ang pitong mag-aaral nang atakihin ng kapwa estudyante gamit ang kutsilyo sa loob ng isang pribadong paaralan sa Barangay Sta. Clara noong Hunyo 16, 2026.
Sa ulat, 8:30 ng umaga nang biglang pumasok sa silid-aralan ng mga Grade 5 student ang isang Grade 8 student na armado ng kitchen knife.
Agad nitong inatake ang ilang mag-aaral na nagdulot ng pagkasugat sa pitong biktima.
Mabilis namang rumesponde ang mga guro at school personnel upang mapigilan ang insidente at mabigyan ng agarang tulong ang mga nasugatan.
Isinugod ang mga biktima sa ospital para sa kinakailangang medikal na atensyon.
Ayon kay General Trias City Mayor Luis “Jon-Jon” Ferrer IV, dalawa sa mga sugatang estudyante ang sumailalim sa operasyon dahil sa seryosong pinsala, nguni’t nananatiling nasa matatag na kondisyon ang lahat ng biktima.
Naganap ang naturang insidente ilang araw bago ang hiwalay na pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City, na lalong nagpalakas sa panawagan para sa mas mahigpit na seguridad at masusing pagtutok sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng mga paaralan.
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos
