Sinibak sa serbisyo ang pitong pulis dahil sa pagnanakaw ng POGO money na gagamitin sanang ebidensiya sa kaso.
Kinilala ang mga sinibak sa serbisyo na sina Lt Col Joey Arandia, 6 na tauhan sina EMS Eric Castro, SMS Michael Camillo, Kristian Valdez, Reymart Solas, Jesus Fulgencio Jr., at Pat Kenji Francisco.
Sa dokumento mula sa Directorate for Personnel and Records Management, ang mga nasabing pulis dating nakatalaga sa CIDG, kasama ang noo’y cash evidence custodian na si Police Lt. Col. Joey Arandia at anim niyang mga tauhan.
Guilty ang mga nasabing pulis sa administratibong kasong grave misconduct, grave dishonesty, at conduct unbecoming of a police officer.
Batay sa report, Oktubre 2024 pa nangyari ang operasyon ng CIDG sa One Bataan Compound sa Bagac, Bataan na isang POGO hub para maghain ng search warrant sa paglabag sa Anti-Trafficking act of 2003.
Nakuha sa operasyon ang P141 milyong pera.
Makalipas ang mahigit isang taon naglabas ng omnibus order ang Korte para isauli ang pera para magamit na ebidensiya sa kaso.
November 20, 2025 nang ibalik ng mga operatiba ng CIDG ang pera pero kulang ito ng mahigit P13 milyon.
Napag alaman din na pinalitan nila ng boodle money ang pera para magmukhang kumpleto ang pera.
Trending
- PWD bugbog-sarado sa pang-ha-harass ng Grade 3 stude
- 3 Tsekwa, arestado sa toxic chemicals at hazardous wastes sa Caloocan
- Babaeng pasahero nahulog sa dagat sa Batangas
- Fusion Alley sa Maynila inireklamo sa baho, ingay at kalat
- LTO team leader sa viral Cainta roadside ops, sinuspinde
- Misis hiniya at sinasaktan ni mister habang naka-video
- P85 wage increase purdoy
- Utak sa pagpatay sa vlogger sa Caloocan, tukoy na
