Patay ang 7-anyos na lalaki nang malunod at anurin ng rumaragasang tubig sa Dario River sa Barangay Bahay Toro, Quezon City noong gabi ng Lunes, Hulyo 6.
Ayon sa ulat, sinubukang kuhain ng bata—na pinangalanang si Joven Asuncion—ang “string” ng kaniyang saranggola ngunit nadulas ito sa ilog.
Nakakapit pa raw ang bata sa isang maliit na puno at nakahingi pa ng tulong – nguni’t inanod din ng rumaragasang tubig bunsod ng malakas na agos nito.
Natagpuan ang katawan ng bata matapos ang labindalawang-oras nitong umaga ng Martes. Hulyo 7 sa San Juan River sa Barangay Apolonio Samson, nang ito ay makita ng ilang “junk collectors.”
Bago pa matagpuan ang bata, buong gabi ang ikinasang operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG), Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), at Barangay Bahay Toro upang mahanap ang katawan nito.
Samantala, nagsagawa naman ng imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa naganap na insidente.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
