Umabot sa 67 pasahero ang napaulat na sugatan matapos ang salpukan ng dalawang pampasaherong bus sa kahabaan ng Marcos Highway sa Taloy Sur, Tuba, Benguet nitong Sabado ng gabi, Mayo 30.
Nangyari umano ang insidente dakong 8:35 ng gabi nang nawalan umano ng preno ang isang bus na pababa mula Baguio City, tumagilid at bumangga sa isa pang bus na papasok ng lungsod.
Mula umano sa iisang transport company ang dalawang bus.
Agad rumesponde ang Tuba Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang mga tauhan mula sa La Trinidad, La Union, Baguio City, Philippine Red Cross, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, at iba pang volunteer rescue groups.
Ayon sa Red Cross, 52 pasyente ang isinugod sa Baguio General Hospital, habang 15 pasyente ang in-admit sa La Union Medical Center.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng aksidente.
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

