Mahigit 60 estudyante sa San Fernando, Romblon ang napaulat na isinugod sa Rural Health Unit (RHU) matapos umanong mahimatay at makaranas ng panic kasunod ng magnitude 5.4 na lindol na tumama sa Claveria, Masbate nitong Lunes ng umaga.
Ayon kay San Fernando Mayor Fernando Marin, karamihan sa mga naapektuhan ay mga estudyante ng Don Carlos Memorial National High School, habang may ilan ding mula sa Barangay EspaƱa.
Agad namang nagpadala ang lokal na pamahalaan ng mga sasakyan upang madala sa RHU ang mga estudyante. Nagtayo rin ito ng mga tent sa labas ng pasilidad upang matugunan ang pagdagsa ng mga pasyente.
Tiniyak ng alkalde na wala namang naitalang malubhang kaso at sapat ang kakayahan ng RHU upang tugunan ang sitwasyon.
Pansamantala ring sinuspinde ang klase sa Don Carlos Memorial National High School habang isinasagawa ang assessment sa paaralan.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

