Sugatan ang limang mga residente sa engkwentro ng dalawang magkalabang pamilya sa Barangay Pindolonan sa Picong, Lanao del Sur nitong Martes, May 19.
Magkatuwang na hinahanap na ng mga kasapi ng iba’t-ibang units ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ng 51st Infantry Battalion ng Philippine Army sina Jamel Macabanding at walong mga miyembro ng pamilyang Alampa na sina Naongko, Rasa Alampa, Raki, Salamat, Toks, Piyangni, Samin at Omair, na positibong itinuro ng mga saksi na siyang namaril sa mga biktima.
Sa ulat nitong Miyerkules ni Police Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng PRO-BAR, ang mga suspects ay mga residente rin ng Barangay Pindolonan sa Picong, isa sa 39 na mga bayan sa Lanao del Sur na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kinumpirma nitong Miyerkules ng mga local executives sa Lanao del Sur at ng mga officials ng PRO-BAR units sa probinsya na ang naturang siyam na nakatakas suspects ang responsable sa pamamaril sa mga biktima, nakatakda ng sasampahan ng kaukulang mga kaso.
Ang mga biktimang sugatan sanhi ng naturang kaguluhan ay mga kamag-anak ni Samad Atil Saripada, may mga kasama na armadong residente din ng Barangay Pindolonan, na kalaban ng siyam na mga suspects na tinutugis na ng mga pulis at mga sundalo.
Inatasan na ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr, chairperson ng Lanao del Sur Provincial Peace and Order Council, ang local officials sa Picong na makipagtulungan sa pulisya sa paghanap sa mga salarin na responsable sa pamamaril ng limang biktimang agad namang nadala sa pagamutan ng mga emergency responders upang malapatan ng lunas.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay

