Iniimbestigahan na ang limang pulis nang pasukin umano ang isang bahay para mag-inspeksyon nang walang warrant of arrest sa Lucena City, Quezon.
Natanggap umano ni Senador Raffy Tulfo ang reklamo ng mga biktimang sina Roberto Zamora at Victor Zambora, at kaanak nitong si Joana Sales, kung saan nilooban umano sila sa kanilang tahanan sa Barangay Cotta noong Marso 30.
Ayon sa mga complainant, hindi naka-uniporme ang mga pulis, naka-shorts lamang, walang suot na ID, at armado nang pumasok sila sa bahay.
Nag-video at nagsagawa pa umano ng inspeksyon sa loob ng kanilang tahanan nang walang ipinakitang pisikal na kopya ng warrant of arrest, kundi isang picture lamang sa cellphone na nakatuon sa pangalan.
Ayon sa pamilya, hinahanap umano ng mga ito si Roberto, kahit matagal na umanong na-dismiss ang kanyang kaso at mayroon pang Certificate of Discharge na may petsang Oktubre 13, 2025.
Agad namang tinawagan ni Tulfo ang Quezon Provincial Police Office para i-report ang insidente dahil sa umano’y paglabag ng mga pulis sa protocol, kabilang ang hindi pagsusuot ng uniporme at kawalan ng body-worn cameras sa operasyon.
Tinugunan naman ito ni QPPO Director PCol. Romulo Albacea at inihayag na kasalukuyan nang iniimbestigahan ang insidente at naisyuhan na ng relieved orders ang mga sangkot na pulis, na nadisarmahan na rin.
Iminungkahi rin ni Tulfo na sampahan ng administrative cases ang mga pulis na sangkot sa insidente.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
