Matagumpay na nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang mangingisda matapos masiraan ng propeller shaft ang kanilang motorbanca habang naglalayag sa karagatan ng Brgy. San Juan, Panukulan, Quezon.
Ayon sa Panukulan Municipal Police Station, tumugon ang Search and Rescue Team ng Coast Guard Mobile Post Panukulan matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Coast Guard Sub-Station Infanta hinggil sa distress ng bangka na patungo sana sa Dinahican, Infanta mula Sitio Bongliw, Brgy. Rizal, Panukulan.
Sa report, 5:15 ng hapon, natagpuan ng rescue team ang hindi na makausad na motorbanca at matagumpay itong nahila pabalik sa ligtas na pantalan kasama ang limang sakay nito.
Wala namang naiulat na nasugatan o napinsala sa mga mangingisda at maging ang kanilang sasakyang-dagat ay ligtas ding naibalik sa pampang.
Patuloy namang pinaalalahanan ng PCG ang mga may-ari ng maliliit na sasakyang-pandagat na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga bangka upang maiwasan ang kapahamakan sa karagatan.
Trending
- Trailer truck nahulog sa sapa: 3 sakay nasagip
- Dawlah Islamiya bomb-maker, timbog
- M’danao binaha; P2.3m pinsala sa sakahan naitala
- Grupong Pinoy sa Tsina: ‘Di kami unggoy!
- Napoles, ex-opisyal ng DAR guilty sa malversation
- Valid ID ‘di kailangan sa pagkuha ng Postal ID
- Price cap sa agri products, ‘di kailangan
- Robin naglalagay ng kulay sa impeachment trial
