Arestado ang 9 katao kabilang ang limang dalaga matapos masamsaman ng party drugs sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA Regional Office sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus City.
Kinilala ang mga naaresto sa mga alyas na Michael, Elijah, Judiel, Jasper, Jimuelle, Bea, Richel, Mary, at Hanna; pawang mga residente ng nasabing lugar.
Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office IV-A, 8:15 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office, Special Enforcement Team 1 at 2, at Imus Police sa naturang lugar.
Nakumpiska sa operasyon ang may 181 piraso ng ecstasy capsules na may halagang P1,700 bawat isa at may kabuuang halaga na P307,700; mahigit kumulang sa 1-gramo ng shabu, 1-gramo ng cocaine valued, 50 milliliters ng liquid ecstasy, 10 vape cartridges na may mga liquid marijuana, 3-cellular phones, at boodle money na ginamit sa operasyon.
Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 13 (Possession of Dangerous Drugs During Parties, Social Gatherings or Meetings), at Section 15 (Use of Dangerous Drugs) of Article II of Republic Act No. 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto.
Trending
- PWD bugbog-sarado sa pang-ha-harass ng Grade 3 stude
- 3 Tsekwa, arestado sa toxic chemicals at hazardous wastes sa Caloocan
- Babaeng pasahero nahulog sa dagat sa Batangas
- Fusion Alley sa Maynila inireklamo sa baho, ingay at kalat
- LTO team leader sa viral Cainta roadside ops, sinuspinde
- Misis hiniya at sinasaktan ni mister habang naka-video
- P85 wage increase purdoy
- Utak sa pagpatay sa vlogger sa Caloocan, tukoy na
