Pinatawan ng mabigat na parusa at kaso ang 49 kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) kaugnay ng insidente ng hazing sa loob ng paaralan, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Ani Remulla, hindi lamang ang mga direktang sangkot sa pananakit ang pinarusahan kundi pati na rin ang mga nanahimik tungkol dito.
Aniya, 42 kadete ang sinibak sa akademya dahil sa dishonesty matapos umanong manahimik sa naganap na hazing.
“‘Yung 42 kasi na present sa kuwarto habang ginagawa ‘yung karumal-dumal na bagay ay nanood lang sila, tumahimik lang sila, nagtulog-tulugan lang sila, sila ang na-dismiss. ‘Yun mga hindi nag-witness, ‘yung mga ayaw magsalita natanggal sila pero wala silang kaso kundi dishonesty lang ‘yung 42,” saad ni Remulla sa isang forum nitong Biyernes, Mayo 8.
“49 ang kinasuhan, seven ang kinasuhan for the anti-hazing act non-bailable. ‘Yung the rest of them were dismissed from the academy because of dishonesty. So 49 lahat ang nakasuhan doon,” dagdag pa niya.
Naganap ang insidente noong Biyernes Santo (Abril 3), kung saan mahigit 20 na fourth class cadets ang nagtamo ng matitinding paso at sugat sa katawan matapos umanong buhusan ng pinaghalong drain cleaner at muriatic acid.
Trending
- Comelec nagsimula na sa disposal ng ‘di nagamit na balota sa BARMM poll
- ‘Pinas magbubukas ng mga embahada, konsulada sa ibang mga bansa
- P2.6m ismagel yosi nasamsam sa Cotabato
- Bea, suot pa rin ang singsing
- Joshua, asiwa sa love scenes
- Rico Blanco, spotted, may kasamang ‘mystery girl’
- Dating teammate ni Wade sinuntok sa Greek League Finals
- Ateneo umatras sa Filoil EcoOil Preseason Cup
