Umabot na sa 45 indibidwal ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa pinakahuling datos ng NDRRMC noong Martes, 33 katao ang nasawi mula sa Soccsksargen habang 12 naman sa Davao Region.
Naitala rin ang 17 nawawala at 487 nasugatan, bagaman patuloy pa itong bineberipika.
Aabot naman sa 149,372 katao o 33,596 pamilya ang naapektuhan ng lindol sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Sa bilang na ito, 32,464 indibidwal o 8,813 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center at 8,973 indibidwal o 1,804 pamilya ang nananatili sa ibang lugar.

Share.
Exit mobile version