Nasawi ang apat katao sa matinding pagbaha sa Barangay Tanuman, Jose Abad Santos, Davao Occidental noong Hulyo 10, 2026.
Nang makita ng mga awtoridad ang isa pang katawan na pinaniniwalaang tinangay ng baha.
Sa Facebook post, iniulat ni Mayor Jason John Joyce na ang bangkay ay nakuha sa Barangay Malalan kasabay ng search, rescue, at retrieval operations.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima upang matukoy kung ito nga ang kabilang sa mga iniulat na nawawala.
Dagdag pa, may narekober din na bahagi ng katawan.
Nananatili sa lima ang bilang ng mga nawawala sa naturang pagbaha.
Nauna nang sinabi ng Municipal Information Office na 10 miyembro ng apat na pamilya sa Barangay Tanuman ang tinangay ng tubig-baha na biglaan na lamang tumaas.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
