Umakyat na sa apat ang bilang ng mga nasawi sa landslide na tumama at naglibing sa tatlong bahay sa Riverside, Guisad Surong, Baguio City nitong Linggo, Agosto 9, 2026.
Sa report kay Mayor Benjamin Magalong, sinabi ni Baguio City Police Director P Col Ruel Tagel na hanggang 5:35 ng umaga ng Lunes, Agosto 10 ay pito sa 13 indibidwal ang nakuha na mula sa landslide area.
Dinala ang tatlong buhay na nakuha sa ospital habang idineklarang patay ang apat.
Kabilang sa apat na nasawi ang isang 17-anyos na babaeng estudyante, siyam na taong gulang na lalaking estudyante, isang babaeng estudyante na edad 9, at 56-anyos na lalaki.
Edad 27-anyos na lalaki at babae, at 77-anyos na pastor din ang nasagip.
Hinahanap pa rin ang anim na indibidwal sa nagpapatuloy na Search, Rescue and Retrieval (SRR) operation.
Kabilang sa nawawala ang mga bata edad tatlo at walo.
===
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

