Tinatayang nasa 3,000 marinong Pilipino ang nananatili pa sa Strait of Hormuz, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Bagama’t stranded, sinabi naman ni DMW Secretary Hans Cacdac nitong Huwebes sa isang panayam sa radyo na ligtas ang mga naturang Pinoy at patuloy na nagtatrabaho.
May sapat din umano silang suplay at 24/7 silang mino-monitor sa pamamagitan ng kanilang mga licensed manning agency at shipowner.
Nilinaw rin ni Cacdac na hindi bihag ang mga seafarer at tuloy-tuloy ang kanilang trabaho, gayundin ang pagtanggap ng kanilang sahod at benepisyo.
Samantala, 3,718 marinong Pinoy naman ang ligtas na nakalabas sa Strait of Hormuz, ayon pa sa DMW.
====
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

