Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakapagtala ito ng kabuuang 35 barko ng China sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) mula Mayo 4 hanggang Mayo 11.
Ayon kay AFP WPS spokesperson Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, kabilang sa mga barkong na-monitor ang mula sa People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG).
Kasama rito ang walong PLAN at siyam na CCG sa Bajo de Masinloc; isang PLAN at anim na CCG sa Ayungin Shoal; tatlong PLAN at tatlong CCG sa Pag-asa Islands; at tatlong PLAN at dalawang CCG sa Escoda Shoal.
Matatandaan naman na unang naiulat ng AFP na umabot sa 62 Chinese vessel ang namataan nito sa mga naturang lugar noong buwan ng Abril.
Trending
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos
- Brownlee babalik para sa Ginebra sa Govs’ Cup
- Alas Pilipinas Men tinalo ang Myanmar
- Yassi, engaged na kay Luigi
- Alden, nakuha ang kiliti ni Nadine
- Angel, nang-iinis kay Mariel
