Nasamsam ang tinatayang P13.6 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Zamboanga City nitong Sabado, Hunyo 13.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Mad”, 54 anyos; “Sal”, 70 anyos; at “Nik”, 34 anyos, na pawang mga lalaki.
Ayon sa PNP, nasa dalawang kilo ng shabu ang nakumpiska sa operasyon, kasama ang buy-bust money, mga cellphone, bag, at iba pang ebidensyang pinaniniwalaang may kaugnayan sa ilegal na transaksyon.
Isasailalim sa laboratory examination ang mga nakumpiskang ilegal na droga, habang nananatili sa kustodiya ng pulisya ang mga suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
Tiniyak naman ng PNP na magpapatuloy ang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa pakikipagtulungan ng iba pang law enforcement agencies upang mapanatili ang kaligtasan ng mga komunidad sa buong bansa.
Trending
- Kyline, inabswelto si Miguel
- Vincent, inirereto noon kay Kim Chiu
- Echo, nagpaka-fanboy kay Matt Damon
- Kings, tinapos ang Summer League sa panalo vs Hornets, 92-90
- LeBron James, ‘di pa rin nakakapili ng team na lilipatan
- UST astig sa Shakey’s Juniors volleyball semis
- Ryan Garcia, dedepensa vs Conor Benn sa Setyembre
- Friendship over na? Bela Padilla wala sa IG post ni Angelica Panganiban

