Aabot sa P34 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Zamboanga City noong Martes.
Naaresto ang tatlong tulak ng droga mula sa Tawi-Tawi at Sulu nang makuha mula sa mga suspek ang limang kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa limang plastic bag at isang pickup truck.
Nakatakas naman umano ang itinuturong lider ng grupo sa kasagsagan ng operasyon.
Isinailalim na sa pagsusuri ng crime laboratory ang nakumpiskang kontrabando habang isinailalim naman sa inquest proceedings ang mga suspek.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
