Ipinorma na ng Akbayan reform bloc sa Kamara ang tatlong taong kulong at multang hanggang isang milyong piso laban sa mga abusadong online lending apps na nagsasamantala ng gipit sa pera.
Base sa House (HB) 10366 na inakda nina Akbayan Party-list Reps. Chel Diokno, Perci Cendaña at Dadah Ismula at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, iginiit ng mga ito na kailangang tapusin na ang malawakang pang-aabuso ng mga online lending platforms.
“Even before I became a lawmaker and until now, complaints against abusive online lending apps keep on coming at an alarming pace. These apps exploit borrowers through harassment, public humiliation, and other abusive collection practices,” ani Diokno.
Base sa modus ng mga online lending apps, hinaharass, ipinapahiya sa social media at ginagamit sa maling paraan ang mga personal information ng mga nangutang sa kanila kapag hindi agad nakapagbayad ang mga ito.
Maliban dito, naparaming ‘hidden charges’ at nagpapatawag ng napalakaing interest ang mga ito kaya lalong nababaon ang mga nangunguntang sa kanila kaya nararapat na tapusin na umano ang pang-abuso ng mga ito.
“We must put a stop to these abusive practice once and for all. No Filipino should have to endure these simply because they fell on hard times,” ayon pa kay Diokno.
“Hindi pwedeng pera ang inutang, pero dignidad naman ang kabayaran. Your personal debt is not a license for online lenders, loan sharks and their collection agents to harass you, curse you, and demean your dignity,” paliwanag naman ni Cendaña.
Dahil dito, inirekomenda ng grupo na patawan ng multang P100,000 hanggang P1 milyon ang mga abusadong online lending apps officials at mga tauhan ng mga ito na nagwawalang hiya at nagsasamantala sa mga nangungutang sa kanila.
Kasama din sa panukala ang pagtatatag Victim Compensation Board for Online Lending Abuses (VCBOLA) sa ilalim ng Securities and Exchange Commission (SEC) na didinig sa mga reklamo kung saan magkakaroon din ng Victim Compensation Fund para sa mga biktima.
“The proposed measure protects borrowers’ rights and holds online lenders to strict standards of transparency and fairness. Walang Pilipinong deserve na walanghiyain sa text o sa social media dahil lang sa kanilang utang,” ani Cendaña.

Share.
Exit mobile version