Nasawi ang tatlong katao at tatlo ang sugatan sa banggaan ng tricycle at toyota Rush sa Barangay Nagpan sa Malungon sa probinsya ng Sarangani nitong Sabado, July 4.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Linggo ng Malungon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at ng Police Regional Office 12, patungong poblacion ng Malungon, mula General Santos City, ang kulay blue na tricycle na sinasakyan ng mga biktima ng magkabanggaan ito at ang kasalubong na kulay puti na Toyota Rush mula sa Digos City sa isang bahagi ng highway sa Purok Malakas sa Barangay Nagpan sa naturang bayan.
Ayon sa mga barangay officials sa Nagpan at mga imbestigador mula sa Malungon Municipal Police Station na nagresponde sa insidente, dalawang pasahero ng tricycle, sina Celvic Calaque at Ian Corrales, at ang driver nitong si Johnrey Corrales ang nadeklarang dead on arrival ng mga doctors sa isang hospital kung saan sila dinala ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.
Tatlong iba pang sakay ng naturang tricycle, sina Joel Panaligan, Jr., Gene Paul Bagay at Joel Mezane, ang nagtamo ng fractures at maselang mga sugat at pasa sa katawan sanhi ng aksidente.
Ayon sa mga local executives sa Malungon, nasa kustodiya na ng kanilang municipal police and driver ng Toyota Rush na nasangkot sa aksidente.

Share.
Exit mobile version