Nasawi ang tatlong katao dahil sa epekto ng Tropical Storm Kiyapo, na may international name na Noul, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Linggo.
Sa pinakahuling situation report ng NDRRMC, isang nasawi ang naitala sa Davao habang dalawa ang naiulat sa Sarangani. Gayunman, bineberipika pa ang dalawang pagkamatay sa Sarangani.
Isa pang indibidwal ang nawawala rin sa Sarangani.
Mahigit 59,000 pamilya o higit 285,000 katao na ang naapektuhan ng bagyo. Sa naturang bilang, mahigit 2,500 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.
Ayon sa NDRRMC, nakapagbigay na ang pamahalaan ng P5.5 milyong halaga ng tulong sa mga apektadong komunidad.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
