Nasawi ang tatlong miyembro ng isang pamilya nang pasukin ang mga ito sa bahay at pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Brgy. Buenavista, Murcia, Negros Occidental.
Kinilala ang mga biktima na ang mag-asawang sina Josefina, 60, at Nelde, 59, at ang kanilang anak na si Juvy, 33-anyos.
Sa report ng Police Regional Office (PRO) 6, dakong 6:00 ng gabi noong Huwebes nang makarinig ng mga putok ng baril ang mga kapitbahay ng mag-anak. Gayunman, noong Biyernes bago mananghali nadiskubre ang bangkay ng tatlo na naliligo sa dugo sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang mga katawan.
Sa pahayag ng mga kapitbahay ng mag-anak, wala silang alam na kaaway para magtanim ng matinding galit at paslangin ang mga ito.
Agad na rumesponde sa lugar ang mga pulis nang mabatid ang insidente at iprinoseso ang crime scene.
Trending
- Bagyong Ada, no classes today
- Bagyong Ada, no classes today
- Kris nag-kritikal : Lungs pumalya
- Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika
- Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan
- ₱1.5B Smuggling Bust ng PNP, Patunay ng Mas Mahigpit na Pagpapatupad ng Batas
- Goitia: Hindi Kayang Burahin ng mga Kuwento ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas
- Goitia: Sa West Philippine Sea, Hindi Nire-rebrand ang Soberanya
