Naaresto ng mga elemento ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang tatlong kasosyo sa negosyo na pangunahin suspek sa pagkidnap at pagpatay sa dating Abuyog, Leyte Vice Mayor James Bohol at anak nito si Carlo James sa Pasay City.
Nakilala ang mga suspek na sina Kim Taboy Solayao, 27; Reniel Galza, 24; at Mark James Taboy, 30-anyos, negosyante na pawang taga Amandayehan, Basey Samar.
Samantala ang labi ng dating Vice Mayor James Bohol at anak na si Carlos James natagpuan sa bangin sa Brgy Imelda, Silago, Southern Leyte matapos ituro ng mga suspek kung saan ito itinapon matapos na patayin.
Ayon BGen. Edwin Balles, Director PNP-AKG, ala-1:00 ng hapon ng kuhanin ang biktima ng tatlong mga suspek sa mismon warehouse at dinala sa papunta ng Silago, Southern Leyte sakay sa kulay silver na Mistsubishi Mirage. Noong June 27,2026. Tumakas ang mga suspek sakay sa kulay gray na Toyota Hilux na sukamay sa RORO patungo sa Matnog port sa Matnog Sorsogon.
“Inaamin nila they were the 3 sila ‘yung gumawa nung krimen at may mapapansin sa kanilang aura na somehow medyo may regret, may pagsisisi at sinabi pa nila na ito mula sa kanilang bibig ay pinagplanuhan nila,” pahayag ni Belles.
Sinabi ni Belles na pinukpok nila ng matigas na object believed to be a dumbbell, pinukpok hanggang nawalan ng malay at nung itatapon na nila pinagsasaksak pa nila.
Isinaad ni Belles na posibleng pagkakautang sa negosyo ang posibleng motibo sa pagpatay ng mga suspek sa biktima kung saan nadamay lang ang anak nito.
Aniya, inamin at kinuwento na meron na normal lang daw na parang may kulang siya (taboy) lagi sa kanyang kinukuhang kabayaran ng stocks but that is still yet to be determined kung magkano ay hindi po natin sigurado.
Nabatid na magkasosyso sa negosyo ng mantika o cooking oil ang biktima at mga suspek.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

