Sugatan ang tatlong indibiduwal sa naganap na fireworks explosion sa bayan ng Santa Maria nitong umaga ng Mayo 11.
Sa report ng Santa Maria rescue, naganap ang insidente bandang 10:15 ng umaga sa Sitio, Manggahan, Brgy. Pulong Buhangin.
Ayon sa report, agad naman nabigyan ng initial first aid mula sa Pulong Buhangin rescue team ang dalawang sugatang manggagawa ng paputok na nasa hustong gulang at isang babaeng bumisita sa lugar na dinala sa pinakamalapit na ospital.
Sinasabing ang pabrika ng paputok na ito na umanoy gumagawa rin ng kwitis ay legal na nag-ooperate at may kaukulang permiso.
Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring insidente.
Trending
- PWD bugbog-sarado sa pang-ha-harass ng Grade 3 stude
- 3 Tsekwa, arestado sa toxic chemicals at hazardous wastes sa Caloocan
- Babaeng pasahero nahulog sa dagat sa Batangas
- Fusion Alley sa Maynila inireklamo sa baho, ingay at kalat
- LTO team leader sa viral Cainta roadside ops, sinuspinde
- Misis hiniya at sinasaktan ni mister habang naka-video
- P85 wage increase purdoy
- Utak sa pagpatay sa vlogger sa Caloocan, tukoy na
