Arestado ang tatlong katao nang maaktuhan sa ilegal na paglilipat ng produktong petrolyo o “paihi” sa kahabaan ng Alaminos–Lipa Bypass Road sa Barangay San Miguel, Alaminos, Pangasinan.
Ayon sa ulat, 11:00 ng gabi noong Miyerkoles, Abril 22, nang maaktuhan ng mga tauhan ng Alaminos Municipal Police Station, kasama ang mga opisyal ng barangay, ang mga suspek habang naglilipat ng petrolyo mula sa isang fuel tanker patungo sa isa pa gamit ang hose, at inilalagay sa drum na nasa loob ng isang L300 van.
Tinatayang aabot sa 400 litro ng petrolyo ang nakumpiska na may halagang humigit-kumulang na P40,000.
Agad na inaresto ang mga suspek dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 1865 o Oil Pilferage Law.
Nasa kustodiya na sila ng pulisya kasama ang mga sasakyang sangkot at ang nakuhang produktong petrolyo.
Naabisuhan na rin ang kumpanyang may-ari ng mga tanker kaugnay ng insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy kung may iba pang sangkot sa nasabing ilegal na aktibidad.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

