Inihayag ni Assistant Ombudsman Mico Clavano nitong Martes na hindi bababa sa 26 miyembro ng Kamara de Representantes ang iniimbestigahan kaugnay ng kanilang posibleng pagkakasangkot sa umano’y anomalya sa mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.
Ayon kay Clavano, nakuha na ng Office of the Ombudsman ang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga nasabing mambabatas matapos tumalima ang Kamara sa inilabas na subpoena.
“We also ask for the SALN of the members of Congress because the House is the repository of these SALNs. Meron na pong compliance ang Congress sa mga SALN na hinihingi namin,” ani Clavano sa panayam sa media.
“It’s the first batch that we asked for, and they complied. This is in relation with infrastructure anomalies, because we are looking at a scheme. And that goes beyond flood control projects. It is a scheme involving infrastructure projects,” dagdag niya.
Tiniyak din ni Clavano na magpapatuloy ang Ombudsman sa pagtupad ng mandato nitong usigin ang mga sangkot sa katiwalian, kabilang ang isyu sa flood control projects.
Matatandaang nakapaghain na ang Ombudsman ng tatlong batch ng kaso kaugnay ng flood control scandal mula nang simulan ang imbestigasyon noong Setyembre 2025.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

