Mahigit 200 pasahero, driver at cargo helper ang istranded sa mga pantalan sa Visayas at Southern Tagalog nitong Martes ng hapon, Agosto 11 dahil pa rin sa masamang panahon dulot ng Habagat.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mayroong 221 pasahero, truck drivers at cargo helpers, at 61 rolling cargoes, isang barko, at dalawang motorbanca ang istranded sa 10 apektadong pantalan.
Mayroong 94 istranded na pasahero at 46 rolling cargoes sa Western Visayas kasama ang dalawang motorbanca.
Naitala ang pagkaantala ng biyahe sa Alegria Port at pantalan sa Barangay Union sa Nabas, Aklan, dahil sa masamang lagay ng dagat dahil sa Habagat.
Sa Southern Tagalog ay mayroon namang 100 pasahero at dalawang rolling cargo ang istranded sa mga apektadong pantalan.
Tinukoy ng PCG ang Pola, San Agustin, Looc, Batangas, Calatagan at Wawa ports na kabilang sa mga minomonitor.
Walong barko, limang tugboats, at dalawang barge naman sa Southern Tagalog ang humihimpil bilang pag-iingat sa masamang lagay ng dagat.
Samantala, may naitalang 27 istranded na pasahero, 13 rolling cargoes at isang barko sa Hagnaya Port at Pier 1 sa Central Visayas.
Sumatutlal ay may minonitor ang Coast Guard na 10 apektadong pantalan sa Western Visayas, Southern Tagalog at Central Visayas sa naturang reporting period.
=====
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

