Naghain si Senator Imee Marcos ng panukalang batas sa Senado upang ilipat ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2026 patungong Oktubre 2027, dahil tumatapat umano ito sa All Souls’ Day at maaaring makaapekto sa voter turnout.
Ayon kay Marcos, maraming Pilipino ang umuuwi sa kanilang mga lalawigan tuwing paggunita sa Undas, ngunit maaaring mapigilan silang bumiyahe at bumoto dahil sa mataas na presyo ng langis at pamasahe.
“All Souls’ Day is important for Filipinos to pay their respects to the dead, but because of increasing travel expenses, it may discourage others to go home, let alone to vote,” ani Marcos.
Sinabi niyang nanganganib ang partisipasyon sa halalan dahil sa kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya, lalo na sa mga botanteng rehistrado sa ibang lugar at sa mga sektor na hirap sa gastusin.
“The oil crisis has triggered significant increases in transportation fares, creating a serious risk of disenfranchisement, especially for voters registered outside their residence and marginalized sectors already struggling with the cost of living,” saad niya.
Dagdag pa ng senador, ang pagpapaliban ng BSKE ay magbibigay ng mas maraming panahon sa mga botante upang mailipat ang kanilang rehistro at ma-update ang records upang maiwasan ang mahal na biyahe sa araw ng eleksyon.
Binanggit din niya ang tinatayang P16 bilyong budget ng Commission on Elections para sa halalan, bukod pa sa karagdagang gastusin para sa suporta ng Philippine National Police, Department of Education, at local government units.
“These funds may be better directed toward urgent needs such as economic relief, basic services, and crisis response,” ani Marcos.
Ayon pa sa kanya, makatutulong din ang pagkaantala ng halalan upang mapanatili ang pagpapatuloy ng pamumuno sa mga barangay habang may kinahaharap na hamong pang-ekonomiya.
“Let us honor the departed and allow Filipinos to focus on prayer and remembrance in November, without the added strain of voting and local politicking,” dagdag niya.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

