Inaresto ang dalawampung Chinese nationals ng Bureau of Immigration at 10th Infantry Division noong Miyerkules, Abril 22, dahil sa umano’y ilegal na pagmimina sa Pantukan, Davao de Oro at Tagum City, Davao del Norte.
Ayon kay Major Gen. Alvin Luzon, commander ng 10th Infantry Division, nabigo ang mga suspek na magpakita ng kinakailangang permits at dokumento. Nasamsam mula sa kanila ang mineral resources, heavy equipment, explosives, at uniporme ng Chinese People’s Liberation Army na maaaring magpahiwatig ng posibleng ugnayan sa ilegal na mining networks.
Batay sa paunang imbestigasyon, ang mga dayuhan ay may tourist visas ngunit umano’y overstaying na sa bansa, partikular sa rehiyon.
Sinabi ni Luzon na isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Mission Orders 2026-151 at 152 laban sa mga paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.
Kakasuhan ang mga suspek sa paglabag sa Section 37(a)(9) kaugnay ng Section 45(e) ng Immigration Act dahil sa pagiging undesirable dahil sa expired visas, gayundin sa Republic Act 7942 o Philippine Mining Act of 1995.
Lumabas din sa imbestigasyon na ang grupo ay umano’y sangkot sa small-scale illegal mining na nagmimina ng ginto at iba pang mineral na posibleng ipinuslit palabas ng bansa.
Binigyang-diin ni Luzon ang kahalagahan ng koordinasyon ng militar at immigration, at sinabing nailantad ng operasyon ang mga iligal na aktibidad na banta sa likas-yaman at pambansang seguridad.
Patuloy ang malalim na imbestigasyon upang matukoy ang lawak ng operasyon at posibleng implikasyon nito sa seguridad ng bansa.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
